|
SECOND CHOICE original na katha ni JOHN PAUL GALANG **ang mga tauhan at pangyayari ay pawang mga kathang isip lamang. isang nilulumot na pangarap ng may akda ang makapagsulat ng isang nobelang pupukaw sa imahenasyon at aantig ng inyong mga damdamin. isa lamang itong simula.. enjoy reading.
‘Hahaha!’ Yan ang mga tawang namutawi sa
mga labi mo nung mga oras na yun. Gabi yun, Nanonood tayo ng tv.
Nakaupo ka sa pang-isahang sofa habang nakahilig ang ulo ko sa iyong tiyan.
Katatapos lang nating magtrabaho. Matagal-tagal din tayong hindi nagkita. Masaya naman tayo habang kumakain. ‘Hahaha!’ Tawang muling iyong pinakawalan
habang nagbabasa ka ng text. “ano yan?”
habang tinatangka kong basahin ang text na pinadala sau. ‘Hahaha! Sesend ko sau!’ Bumangon ako, kinuha ang aking cellphone
para basahin ang text. ‘O? Bakit ka
natawa dito?’ ‘mababaw lang akong tao eh. Natawa ako dyan. Feeling ko kasi
nagawa ko na lahat ito.’ Ang text ay tungkol sa iba’t ibang klase ng halik
at ang mga kahulugan nito. Wow. Nagawa na lahat. May kurot sa parte ng aking
puso. Tanggapin mo na... Pede bang hindi? Pede bang wag maniwala sa mga
nararandaman ko? Hindi pede... Wala kang karapatan. Wala kang lugar sa puso
nia. Kailangan ka nia kaya ka nia kasama ngayon. Hindi. Hindi sia ganun. Hindi
sia manggagamit. Hinalikan ko ang iyong tiyan. ‘anong ibig sabihin nyan?’ habang ikaw ay nakangiti. ‘come to bed with me.’ Ang pabiro kong
sabi sa iyo. Pabiro pero nais kong makakuha ng sagot na ‘Sige.’ Nais ko lamang na
makasama ka nang mga panahong yon. Nais kong patunayan na hindi ka manggagamit.
Nais kong patunayan na kaibigan mo ako hindi dahil sa kailangan mo ako pero
dahil sa kung sino talaga ako. Yun lang naman ang gusto ko eh. Ang maging
kaibigan ka. At maging kaibigan mo rin. Pero sadyang malupit ang tadhana sa
akin. Sadyang napakahirap yatang humanap ng kaibigan na magpapahalaga sa iyo
tulad ng ginagawa mong pagpapahalaga sa kanya.
‘Ayoko. Ayoko siyang makita.’ Yan. Yan ang maikli mong sagot sa
aking imbitasyon. Inulit ko ang aking imbitasyon. ‘I plea. I plea. I plea.’ ‘ayaw ko.’ ‘bakit?’ ‘ayaw ko siyang makita.’
Naintindihan kita na me ayaw kang makita dahil naiinis ka sa kanya. Pero mas
mahalaga pa ba yung inis mo kumpara sa pangangailangan ng isang kaibigan? Hindi
mo ba nararandaman na kailangan ko ng kasama ngayong gabi? ‘ I plea. I plea. I plea.’
Ilan beses ko yang inulit-ulit sa iyo. Sa pagaakalang hindi ko lang talaga
nasasabi sau na kailangan ko nang kasama nang gabing yun. ‘ayaw ko. Sa bahay ako matutulog.’ Malakas naman ang iyong
pakirandam. Palagi ka namang nakakarandam sa kalagayan ng mga kaibigan mo kahit
nasaang lupalop man sila naroroon. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit
pagdating sa akin, hindi mo marandaman ang mga nararandaman ko. Ayokong isipin
na wala ka talagang malasakit sa akin.
Ayokong tanggapin yun. ‘please?’
‘ayaw, uuwi ako.’ I rest my case. Siguro nga ayaw niya lang talagang makita
ang taong yun. siguro gusto niya rin talagang makapagpahinga. Siguro naman
hindi sa ayaw niya akong kasama. Or hindi nga ba? Baka naman me iba siyang
gustong makasama? Siguro nga.
Itutulog ko
na lang lahat ng yun. nagtext ka pa nga, ‘thank
you.’ Di ako sumagot. ‘nytnyt.’
Ang normal nating batian bago matulog. Di rin kita sinagot. Itutulog ko lang
ito. Sana wala
na bukas. Sana
ok na bukas. Sana
hindi ko na maramdaman ang pangungulila bukas. Sana.
Dumating
ang umaga. Paggising ko, kinausap ko si God. Ang sama pa rin pala ng loob ko. ‘God bakit ganun? Mahirap ba akong tanggapin
at pahalagaan bilang kaibigan? Masyado na ba akong independent sa paningin ng
tao? Akala ba nila hindi ko kailangan ng kasama? Akala ba nila sobrang lakas ko
na at hindi ko na kailangan ng encouragement? Me nagmamahal nga ba saken God?
Or kailangan lang nila ang tulong ko? Tanggap ba nila ako bilang kaibigan or
bilang isang taong kailangan sundin? kailangan ko ng kasagutan.’
Nagtext ka
nung umaga. ‘umiyak ako kanina habang nagdarasal’ Napagisip-isip mo na ang dami
mong natutunan ngayon mga nagdaang buwan pero madami ding nawala sa iyo.
Sinundan mo ng text na, ‘ pede ba akong magstay sa inyo mamaya?’ natuwa ako. Sa
wakas! Siguro naisip niyang bumawi kagabi. Siguro naisip niyang gusto din niya
akong makasama. Sana
gabi na.
Dumaan ang
araw. Maghapon lang akong nagpahinga. Maghapong nasa bahay. Nagluto.kumain.
nagsound trip. Someday by nina. Ouch. Tagos. Sakit palang magmahal ng taong iba
ang minamahal. Ang sakit pala talaga.
Nakatanggap
ako ng text mula sau. ‘sa bahay na ako matutulog mamayang gabi. Kaya ako
nagtext sau kanina kasi dapat darating yung tiya at tiyo ng hausmate ko. Pero
hindi na natuloy kaya sa bahay na lang ako matutulog.’ Mukhang tama nga ang
hinala ko. Palagi lang akong second choice. Pag hindi pede ang iba, tsaka ka na
lang pupunta saken. Ang hirap pala ng ganito. Nahihirapan na ako. Panakip-butas.
Nasasaktan na ako. mukhang di ko na kakayanin ito. Hindi ito ang unang beses na
nangyari ito sa atin.
Nagtext ka.
‘naiyak ako kanina.’ ‘bakit naman?’ ‘ ang daming pinakitang vision ni god
saken. Kasama ka pa din sa apat.’ ‘ano naman yung vision?’ ‘ hirap magkwento sa
text.’ Ipinakita na ba ni God sau na nasasaktan na ako? Na malapit na akong
sumuko? Hindi na ako nangulit pa. Susubukan ko ulit na magpasama sa iyo. One
last try. ‘d2 ka 2log..’ ito ang laman ng text ko. Sumagot ka ng ‘is this a
question or suggestion?’ hindi ba pedeng request? ‘d2 ka tulog..’ ‘d2 na lang me sa bahay.‘ me kasama pang
smiley. Makasmile ka pa kaya pag nalaman mo ang tunay kong nararandaman sa mga
oras na ito? Sumagot ako, ‘ok. Salamat ha. I learned my lesson. Tnx talaga.’
Hindi ko na maalala ang mga palitan natin ng text sa mga oras na yun. Sakit.
Puro sakit ang aking nararandaman. Umiiyak na ako. Ayoko na. Ayoko nang umasa.
Sumusuko na ako. Masakit palang tunay, na magmahal ka ng taong hindi ka mahal.
Pero isa akong malaking tanga. Dahil mas mapait ang magmahal na sa simula pa
lang ay alam mo nang iba ang nilalaman ng puso ng taong mahal mo. Hindi ko siya
kayang palitan. Hindi ko rin kayang makipagsabayan. Simple lang ang gusto kong
makamit sa buhay. Magmahal at mahalin. Hindi ko alam ang aking gagawin. Hindi
ko alam kung ano ang susunod na hakbang na aking tatahakin. Kakayanin ko pa ba
ipagpatuloy ang aking naumpisahan? Kakayanin ko pa bang intindihin ka lagi sa
kabila ng sakit na dinudulot ng mga pangyayari sa akin? Hindi ko alam. Hindi ko
alam.
|